Hanggang sa Muli



   

  Tatlong araw na lang akong papasok sa trabaho, tatlong araw na lang at tapos na ang yugto ng buhay ko sa GMA.

Hindi ko alam na ganito pala kahirap magpaalam, hindi ko alam na ganito pala kasakit at nakalulumbay na maalala ang halos limang taon kong pananatili sa GMA na itinuring ko nang ikalawang tahanan.

Hindi ko makalilimutan ang ika-26 ng Abril ng taong 2010. Wala pang isang buwan mula nang nagtapos ako sa UST ng kursong Journalism nang magsimula ako GMA.

Magkahalong kaba at pananabik ang naramdaman ko noon. Kaba dahil hindi ako marunong magsulat ng script, gumamit ng mga makina at wala akong kakilala sa trabaho. Nakapananabik dahil hindi ko inakalang makakapagtrabaho ako sa isa sa pinakamalaking broadcasting company sa Pilipinas.

Hindi naging madali ang bawat araw, pero napakarami kong natutunan at nakasalamuhang tao.

Sa simula ay marami ka talagang ‘di makakasundo, mga taong hahamakin ang iyong talento, mga taong susubukan kung gaano kahaba ang iyong pasensya.

Pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil tinulungan nila akong maging matatag,  maging propesyunal sa trabaho at gawin ang lahat para patunayan ang aking kakayanan.

Marami rin akong nakilala sa GMA na hindi ko inakalang ituturing kong matalik na kaibigan, ituturing kong para ko na ring kapamilya, at hindi ko inakalang makakapagturo sa akin ng aral sa buhay at sa trabaho.

Unang una, maraming salamat po Madam Queenie, sa pagbubukas ng mga pinto ng GMA para sa isang baguhan na tulad ko. Salamat po sa pagtitiwala, sa pagbibigay sa akin ng mga pagsubok at oportunidad para lalo kong galingan sa trabaho. Salamat sa pagpapatawad sa mga pagkakamali at pagkukulang. Salamat sa pagiging mapagmahal na boss at pagiging ina sa aming mga writer. Masakit pong mahiwalay sa inyo agad pero hinding hindi ko po kayo makakalimutan. Kayo pa rin ang nag-iisang inang reyna para sa akin.

Kay ate Xien at Ali, hindi sapat ang pasasalamat sa lahat ng pinagsamahan natin. Salamat sa pagtitiis n’yo sa kakulitan at pagiging antukin ko. Salamat sa pagtatiyaga sa pagtuturo sa akin. Salamat sa pagkakakaibigan at pagiging tila mga kapatid ko sa newsroom. Magkakahiwalay na tayo ng landas pero alam kong magkikita pa tayo.

Sa QRT Remote team, salamat sa pagtitiwala sa kakayahan ko, salamat sa hindi pagbitaw sa akin at pagsalo sa mga panahon na wala akong ginawa kundi umiyak at magalit sa mundo. Isa na talagang tayong pamilya at hindi na mababago ‘yun.

Sa Alupihang Dagat girls na mga una kong naging kaibigan sa GMA, salamat dahil ginawa n’yong makulay, masaya at kapana-panabik ang bawat araw sa newsroom. Hindi siguro ako nagtagal sa kumpanya kundi dahil sa inyo. Alam kong kahit kailan ay hindi magbabago ang ating pinagsamahan.

Sa Subselfie, salamat sa pagkakaibigan, sa mga press conference tungkol sa mga isyu natin sa buhay at trabaho, sa pagiging life at work support, at salamat sa pagkakataon para maibalik ko ang pagmamahal ko sa pagsusulat. Mahal ko kayo bilang mga kapatid.

Sa News To Go All Stars, kahit hindi tayo masyadong nagkakasama, alam kong tila may malaking magnet na magbubuklod sa ating lahat. Sana maging matagumpay tayo sa mga landas na pinili nating tahakin.

Sa Tinderellas, salamat sa suporta, sa pakikinig sa bawat kwento, sa pagbibigay ng lakas na harapin lahat ng laban sa buhay. 

Kay Nanay Ana, hindi ko man po kayo nakilala sa mga unang taon ko sa GMA pero nagpapasalamat po ako na itinuring n‘yo rin akong inyong anak, salamat po sa pakikinig sa mga kwento, sa mga yakap at pagpunas n’yo sa aking mga luha. Salamat po sa pagtuturo at pagmamahal.

Kay sir Jiggy, maraming salamat po sa pagtuturo sa akin ng mga pasikot-sikot sa buhay media, sa pagtitiwala, sa lahat ng pagsubok. Hindi po ako magiging ganito katatag at katiyaga sa trabaho kundi dahil sa inyo. Isang malaking karangalan po na naging sidekick n’yo ako ng mahigit dalawang taon. Sana po ay marami pang dumating na biyaya sa iyong buhay.

Kay sir Howie at Ma’am Kara, salamat po sa lahat ng aral, sa pagtitiwala sa mga interview at sa pagtuturo sa akin na maraming kailangang pagdaanan bago makamit ang mga mithiin sa buhay. Mabuhay po kayong dalawa.

Sa lahat ng nakatrabaho ko sa News on Q, sa News To Go at QRT, maging sa mga nakilala ko sa iba’t ibang programa at departamento, salamat sa samahan, sa mga kulitan, sa pagtitiwala at sa pagkakaibigan. Hinding hindi ko kayo makakalimutan.

Salamat sa lahat ng mga nakasalamuha ko sa GMA na naging dahilan kung bakit mas minahal ko ang aking trabaho.

Hindi ako iiyak dahil sa aking pag-alis, mas pinipili kong bitbitin ang mga magagandang alaala at aking mga natutunan.

Dito man natatapos ang aking kwento, pero hindi rito natatapos ang laban.

Paalam GMA, hanggang sa muli nating pagkikita.


New Leaf

 It had been almost a year since I last posted here, and A LOT has happened in my life. I never expected all of these but as they've said, no matter how you can't understand, things happen for a reason.

     Before my birthday last January, I made one of the biggest decisions in my entire life. I gave up on one of the things I loved, one thing I've committed my whole heart to- I resigned as the remote producer for GMA News TV Quick Response Team. I cried for months before that, I didn't want to let go. It was the only job that I've wanted since I got in GMA, the people I am with every day became my family but I had to make a choice.

      I would never forget the man who mentored me through all of those years, the person who showed me how to be passionate with my work, the man who showed me how to flap my wings. I must admit I still miss field work, I miss him and the whole team. I hope someday I'd still get the chance. I am just glad the team also keeps in touch with me.

I then gained a new family, people I'm friends with in and out of the newsroom- Subselfie.  They're a group of intelligent, witty, crazy people, and a big part of my sanity despite my difficult work and personal problems. Eight people who mold me, hurt me, make my laugh and just help me grow; eight people who have become the rays of my sun.

Then, I met Kev. Now I'm speechless. Words are not enough to express how he turned my crazy quarter-life crisis phase upside down. He's the most beautiful surprise. He tore down the walls I've locked myself in, he pulled me out from my misery and taught me how to love again. It may be cliche but it's true. He's the reason why I am no longer afraid of the future. He's the love of my life and I'm thankful every day that God blessed me with such a loving person.

In life, we lose some, we win some. This year had been a really bumpy roller coaster ride but I believe all of these experiences only made me stronger. I may not be sure what would happen in the next days, month and years, but I have in faith in Him that things will get even better.

.

Nakakapanikip ng dibdib. Ang hirap huminga, ang hirap magsalita nang hindi umiiyak.

Alam kong ni wala sa katiting ng sakit na nararamdaman niya yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pero sobrang sakit. Ang sakit sakit talaga.

Hindi ko naman ginustong mangyari 'yun sa kanya. Sa lahat ng taong nakilala ko sa industriyang 'to, siya lang ang hinahangaan ko, yung tipong nilagay ko na sa pedestal. Yung nagsisilbing inspirasyon ko para pumasok araw-araw, magtrabaho nang maayos kasi gusto kong maging katulad niya.

Yung mga dinanas niya, pinagdaanan niya para marating ang kinaroroonan niya ngayon, pinaghirapan niya ng mabuti kaya naman hindi maiiwasan na talagang hangaan siya ng tulad ko.

Kaya nung kinukutsa na siya ng mga tao, masakit din para sa akin kasi alam kong yung isang simpleng pagkakamali, hindi naman maikukumpara sa sipag at tagumpay niya. Yung isang simpleng pagkakamali na yun na pinalaki ng mga tao, hindi maikukumpara sa kredibilidad niya.

Pero wala na akong pagkakataong ipakita sa kanya na hindi mawawala ang paghanga ko sa kanya, na siya pa rin ang pinakamabuting ehemplo sa propesyon ito.

Masakit na hindi mapatawad. Para akong nawalay ng tatay sa sakit.

Pero kung may ipagdarasal man ako ngayon, yun ay yung mawala na yung sakit na nararamdaman niya sa lahat ng nangyari.Sana talaga sa pagdaan ng panahon, maging maayos din ang lahat.

Nostalgia Note # 1

I called you up while I was sitting in front of the building with my friends.

I just kept on complaining and whining that I lost my ID.

I've looked everywhere and I can't find it.

People kept telling me that it's okay, maybe someone might be able to see it and return it to the lost and found section of our college.

So I called to hear what you would say.

So I talked and talked and you were quiet on the other line.

When I stopped speaking, all you said was, "Do you want to get some chocolate sundae later?"

At that moment, my almost permanent frown turned into a sheepish smile.

But I wasn't happy because of the chocolate sundae.

But because the thought that I'd be able to see you and be with you after a long, depressing day is so comforting.

I want those moments back so bad.

 I want you back.

Blurt

(written last June 7, 2012 for no one in particular, I think) 

When I first met you, I couldn't perfectly remember where or how I first saw you. 

Was it when I was flipping through a book and I saw your smile, when I was just 8 and playing garden dinner then you came, stared at me then ran to your dad, or was it when I was standing still on the seashore and smelled you in the wind. 

Well, I don't really know. And I don't really care anymore. 

All I know is you are so familiar I feel like I so belong to you. As you belong to me. Not really owning each other, but just being two souls meant to sit together and watch the whole world change as our hands stay fix holding each other. 

And here we are, lying here while your hand is around my waist. And I couldn't help but stare at you, breathing heavily as your forehead forms crumples anticipating a yawn. Then you opened your eyes and the sun shone on them. Then you smiled at me. 

And I swear music suddenly played on my ears. 

I may not remember how I first saw you, but I swear I know I love you. 

And I could live a hundred years lying here with you and knowing you feel the same. 


Burst

Let's just say I'm near the middle if this dark road, and yet I can see the end of it, it's sunny on that side and I can clearly see it's a dead end. And I still keep on walking towards it.

Tanga 'di ba? Bakit nga ba ako nananatili, alam ko namang walang patutunguhan to.

This isn't about love dahil wala pa'ko sa puntong 'yon, alam ko 'yon sa sarili ko.
But probably, this is something about wanting this to turn into love.

Pwedeng love between the two of us, or probably more of wanting him to learn to love again, kahit hindi na lang para sa'kin.

Again, katangahan na dapat ikagalit ng mga kaibigan. Kaya ko rin hindi masyadong nakakausap mga kaibigan ko talaga, lalo na yung mga alam kong magagalit sa'kin.

I told a friend that I want to be a way to heal his wounds, or  fight whatever's feeding his demons. But my friend told me that I would be hurting myself in the process.

Hindi naman n'ya to hinihiling, I don't even know if this is really what his problem is. Mukhang hindi naman niya ako kailangan. And maybe he's just not that into me.

He always tells me he appreciates me and what I do. I'm pretty tired of just being appreciated.

Maybe it's time to listen to friends and family, listen to these people who care for me, who really know what and who's good for me.

It's time to stop this stupidity. I've made my point that I really want him and I care for him. Maybe it's his turn now.

I gotta go my way.




Mute


It's hard to write when all I have in mind are rants and complaints. It's hard to write when I just want to scream at the top of my lungs or burst into tears.

I'm exhausted. I can't sleep peacefully every night and I wake up every hour. I am always nervous, tensed and I'm always scared of what will tomorrow bring.

I barely talk to people about how I feel, and when I do, I only talk to those who can understand, and who would let me talk endlessly.

I also became inactive online. I'm scared to express how f*cked up my life is right now. My thoughts and emotions are shattered. I am actually having difficulties writing this blog post.

I miss looking forward to every second of every day. Now it feels like I am robbed of my happy thoughts.