.

Nakakapanikip ng dibdib. Ang hirap huminga, ang hirap magsalita nang hindi umiiyak.

Alam kong ni wala sa katiting ng sakit na nararamdaman niya yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pero sobrang sakit. Ang sakit sakit talaga.

Hindi ko naman ginustong mangyari 'yun sa kanya. Sa lahat ng taong nakilala ko sa industriyang 'to, siya lang ang hinahangaan ko, yung tipong nilagay ko na sa pedestal. Yung nagsisilbing inspirasyon ko para pumasok araw-araw, magtrabaho nang maayos kasi gusto kong maging katulad niya.

Yung mga dinanas niya, pinagdaanan niya para marating ang kinaroroonan niya ngayon, pinaghirapan niya ng mabuti kaya naman hindi maiiwasan na talagang hangaan siya ng tulad ko.

Kaya nung kinukutsa na siya ng mga tao, masakit din para sa akin kasi alam kong yung isang simpleng pagkakamali, hindi naman maikukumpara sa sipag at tagumpay niya. Yung isang simpleng pagkakamali na yun na pinalaki ng mga tao, hindi maikukumpara sa kredibilidad niya.

Pero wala na akong pagkakataong ipakita sa kanya na hindi mawawala ang paghanga ko sa kanya, na siya pa rin ang pinakamabuting ehemplo sa propesyon ito.

Masakit na hindi mapatawad. Para akong nawalay ng tatay sa sakit.

Pero kung may ipagdarasal man ako ngayon, yun ay yung mawala na yung sakit na nararamdaman niya sa lahat ng nangyari.Sana talaga sa pagdaan ng panahon, maging maayos din ang lahat.