Ikaw at Ako



No sugarcoatings.
No pretensions.
Sampung magsing-irog.
Isang awit ng pag-ibig.
Ito ang tunay na larawan ng pagmamahal.

Ikaw at Ako
Johnoy Danao 

Ikaw at ako
Pinagtagpo
Nag-usap ang ating puso
Nagkasundo
Magsama habang buhay
Nagsumpaan sa Maykapal
Walang iwanan
Tag-init o tag-ulan
Haharapin bawat unos na magdaan

Sanay 'di magmaliw ang pagtingin
Kay daling sabihin, kay hirap gawin
Sa mundong walang katiyakan,
Sabay nating gawing kahapon ang bukas.

Ikaw at ako
Pinag-isa
Tayong dalawa, may kanya-kanya
Sa isa't isa tayo ay sumasandal
Bawat hangad kayang abutin
Sa pangambay, 'di paalipin
Basta't ikaw, ako, tayo...magpakailanman

Kung minsan ay 'di ko nababanggit
Pag-ibig ko'y di masukat ng anumang lambing
At kung magkamali akong ika'y saktan
Puso mo ba'y handang magpatawad

'Di ko alam ang gagawin kung mawala ka
Buhay ko'y may kahulugan tuwing ako'y iyong hagkan
Umabot man sa ating huling hantungan
Kapit puso kitang hahayaan

Ngayon at kailanman,
Ikaw at ako.

0 comments:

Post a Comment